BTECH COLLEGE FACULTY MEMBERS |
Maraming pangarap ang natupad dahil sa BTECH. Maraming pamilya ang kahit papaano ay nakaahon sa kahirapan at nagkaroon ng maayos na pamumuhay. Minsan may isang tao na nagtawa sa akin sapagkat hindi daw niya alam o ni minsan na hindi rin narinig kung saan daw ako nagtapos (tunog hindi sikat na kolehiyo). Minsan din akong minaliit dahil sa isang local college lang daw ako nagtapos. Kasalanan pala sa lipunan ang mag-aral isang public local college. Sa kabila ng kaliwa't kanan na pangiinsulto sa akin ay nanatili akong buo at nakangiti sapagkat alam ko na hindi naman kasi alam ng mga taong ito kung ano ba talaga ang BTECH. Bukod sa aking tuwa na magtatapos ang aking kapatid ng kursong BS Tourism Management ay tuwa na makita ang aking mga naging estudyante. Iba-iba ang kanilang kwento at tiyak na maiiyak ka kapag iyong pinakinggan. After 4 years ano at nasaan na ba si Eric Cauzon? Ako ngyaon ay kasalukuyang punong-guro sa pribadong paaralan at part time college instructor sa BTECH College kung saan din ako nagtapos ng kolehiyo. Kung loloobin din ng panginoon sana ay matapos ko na ang aking MAED course. May kaunti ng pundar at nakakatulong na din sa pamilya. Laki sa hirap at sanay mahirapan. Salamat po Lord dahil ibinigay mo ang mga bagay na wala ko dati. Pahahalagan ko po ito at iingatan. Gayun din sa pahiram mong karunungan akin po itong gagamitin sa tama.
Nice article. :)
TumugonBurahin